Naglabas na ng kautusan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa dagdag-sahod ng mga kawani ng pamahalaan.
Batay sa Executive Order No. 64, ang mga may umento sa sahod ay ang nakatalaga sa Executive, Legislative, at Judicial Branches; Constitutional Commissions at iba pang Constitutional Offices.
Kasama rin ng increase base ng mga nagtatrabaho sa Government-Owned or-Controlled Corporations (GOCCs) na hindi saklaw ng RA 10149, o ang “GOCC Governance Act of 2011 at ang mga nasa lokal na pamahalaan.
Ang EO 64 ay nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin kahapon at magkakabisa sa sandaling mailathala na sa Official Gazette o sa mga pahayagan.
Facebook Comments