PBBM, naglabas ng Executive Order na may kinalaman sa pagpapatupad ng streamlining sa Administrative structure ng Office of the President

Inilabas ng Malacañang ang Executive Order No. 11 na naglalayong magpatupad ng streamlining sa administrative structure ng Office of the President.

Batay sa inilabas na EO na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., nitong nakaraang December 29, 2022, nakasaad na ang mga tanggapang nasa ilalim ng Office of the President gaya ng Executive Secretary, Office of the Chief Legal Counsel, Protocol Office and Social Secretary’s Office, at Office of the Special Assistant to the President.

Kasama rin sa ilalim ng Office of the President ang Office of the Press Secretary na ngayon ay tatawagin ng Presidential Communications Office (PCO).


Ang PCO ang mamamahala sa messaging system ng executive branch at Office of the President.

Mapupunta naman sa ilalim ng pamamahala ng Executive Secretary ang Presidential Management Staff o PMS.

Facebook Comments