PBBM, nagpaabot ng pagbati kay dating Unang Ginang Imelda Marcos para sa kaarawan nito ngayong araw

Nagpaabot ng pagbati si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa ika- 95 taong kaarawan ni dating First Lady Imelda Romualdez-Marcos ngayong araw.

Sa kaniyang mensahe, pinasalamatan ng pangulo ang dating First Lady sa pagtuturo sa kanya at sa mga apo nito na maging mabait, mapagmalasakit, at magalang.

Samantala, bumati rin si First Lady Liza Marcos at nagpasalamt sa pagiging ikalawang Ina sa kaniya ni former FL Marcos.


Ayon kay FL Liza, mananatiling unang ginang para sa kaniya si FL Imelda kasabay ng pagpapahayag ng pagmamahal sa biyenan.

Facebook Comments