PBBM, nagpaabot ng pagbati para sa kaarawan ni VP Sara Duterte ngayong araw

Nagpaabot ng pagbati si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., para sa kaarawan ni Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte ngayong araw.

Sa social media post, kinilala ng pangulo ang sipag at pagmamahal ni VP Sara para sa Pilipinas na siyang nagpalakas umano sa kabataan at mga guro.

Mensahe pa ni Pangulong Marcos na nawa’y ipagpatuloy lamang ito ng pangalawang pangulo para sa isang matatag na edukasyon sa ilalim ng bagong Pilipinas.


Samantala, nagapaabot din ng pagbati ang Palasyo ng Malacañang kasabay ng hiling para sa maayos na kalusugan at tagumpay ni VP Sara sa mga susunod pang taon.

Facebook Comments