
Nagpaabot ng pagbati si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kay Prime Minister Sanae Takaichi para sa kaniyang makasaysayang pagkakahalal bilang kauna-unahang babaeng Prime Minister ng Japan.
Ayon sa pangulo, patunay ang pagkakatalaga ni Takaichi sa matatag na demokrasya ng Japan na sumasalamin sa pangako nitong isulong ang progreso at pagkakapantay-pantay.
Inaasahan din ng pangulo na mas lalo pang titibay ang ugnayan ng Pilipinas at Japan sa pamumuno ni Takaichi, kasabay ng pagdiriwang ng ika-70 anibersaryo ng diplomatikong relasyon ng dalawang bansa sa 2026.
Si Takaichi ang ika-limang Punong Ministro ng Japan sa loob ng limang taon at kilalang social conservative leader na mamumuno sa isang minority government.
Facebook Comments









