Binati ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Philippine Women’s National Football Team o kilala rin bilang Filipinas, dahil sa makasaysayang pagkapanalo sa FIFA Women’s World Cup sa New Zealand.
Ang pagbati ay ipinaabot ng pangulo sa pamamagitan ng kanyang official Twitter account.
Bago sumabak sa laban ang Filipinas, una nang nagbigay ng mensahe ang pangulo sa mga ito na sikaping manalo at magbigay ng inspirasyon sa mga kabataang Pilipino.
Nakasaad din sa mensahe ng pangulo sa kanyang Twitter account, na ito ang kauna-unahang World Cup win ng Pilipinas.
Ang Philippine Women’s National Football Team ay binubuo ng 22 mga magagaling at malalakas na kababaihang Pilipino.
Ayon naman kay Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil, na sa makasaysayang pagkapanalong ito ay makakapasok ang Filipinas sa qualifying matches para sa laban sa Norway sa July 30.