PBBM, nagpaabot ng pagbati sa muling pagkakahalal ng prime minister ng India

Nagpaabot ng pagbati si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., para sa muling pagkakahalal ni Indian Prime Minister Narendra Modi.

Sa isang social media post, sinabi ng pangulo na nakita ang pagiging isang tapat na kaibigan ng India para sa Pilipinas sa nagdaang dekada.

Kasunod nito ay umaasa ang pangulo na lalakas pa ang bilateral at regional partnership ng dalawang bansa sa mga susunod pang taon.


Nabatid na ito na ang ikatlong termino ni Modi, makaraang makuha ng kanyang coalition ang mahigit kalahati ng mga boto sa parliamentary seats.

Facebook Comments