PBBM, nagpaabot ng pakikiisa ng bansa para sa agarang paggaling ni King Charles III ng United Kingdom

Nagpaabot ng panalangin si Pangulong Bongbong Marcos para sa agarang paggaling ni King Charles III ng United Kingdom.

Sa kaniyang tweet, ipinahayag ni Pangulong Marcos ang kanyang hiling para sa maayos na kalusugan ni King Charles.

Kaisa aniya ang Pilipinas sa pagdarasal para sa full recovery ng hari.


Matatandaang kamakailan lamang ay inanunsyo ng Buckingham Palace na na-diagnose ng cancer ang 75-taong gulang na Hari.

Hindi naman iniulat kung anong klase ng kanser na tumama rito.

Gayunpaman, kasalukuyang sumasailalim sa regular treatment si King Charles at pansamantalang itinigil ang kaniyang mga public-facing engagements.

Matatandaang naimbitahan sina Pangulong Marcos at First Lady Liza-Araneta Marcos sa koronasyon ni King Charles III noong Mayo 2023.

Facebook Comments