PBBM, nagpaabot ng pakikiramay sa Amerika dahil sa malawakang pagbaha sa Texas

Nagpahayag ng pakikiramay si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. kay US President Donald Trump at sa mga residente ng Amerika na apektado ng matinding pagbaha sa Texas.

Ayon sa pangulo, batid ng Pilipinas ang hirap at mga hamon ng muling pagbangon matapos ang isang sakuna.

Nakikidalamhati rin aniya ang bansa sa mga pamilyang nawalan ng mahal sa buhay.

Dagdag pa ng pangulo, nananalig siya sa tibay at tatag ng mga taga-Texas, gayundin sa pamumuno ni Trump, upang makabangon at makabawi sa pinsala.

Facebook Comments