PBBM, nagpaabot ng pakikiramay sa pagpanaw ng aktres na si Gloria Romero

Nagpaabot ng pakikidalamhati si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa mga naiwang pamilya at mahal sa buhay ng tinaguriang “Queen of Philippine Cinema” na si Ms. Gloria Romero.

Ayon sa pangulo, unang beses niyang nakita ang aktres sa filming ng pelikulang “Iginuhit ng Tadhana,” at mula noon ay naging tagahanga na siya nito.

Maituturing aniya itong “great lady” taglay ang dignidad ng isang totoong artista at isa ring mabuting tao.


Kaya naman tiyak umanong hindi siya makalilimutan ng mundo ng pelikulang Pilipino at buong entertainment industry.

Si Romero ay pumanaw noong January 25 sa edad na 91.

Facebook Comments