PBBM, nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ng ikatlong biktimang Pinoy ng gulo sa Israel-Hamas conflict sa pamamagitan ng telephone call

Nakausap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa kapatid ng ikatlong Overseas Filipino Workers (OFW) na namatay na nadamay sa Israel-Hamas conflict kahapon.

Ayon sa Presidential Communications Office, nagkausap ang pangulo at ang kapatid na babae ni Loreta “Lorie” Villarin Alacre sa telepono kung saan ay nagpahayag ng pakikidalamhati ang pangulo sa mga naiwan ng OFW.

Siniguro naman ng presidente ang mabilis na pagpapauwi sa labi ni Alacre pabalik ng bansa.


Sinabi ni Pangulong Marcos, ito ang pokus ng pamahalaan habang tinitiyak din ang pagbibigay ng tulong sa mga naiwang kaanak ng 49 na taong gulang na si Alacre nagtatrabaho sa Israel bilang isang care giver.

Pagtitiyak pa ng presidente na ang gobyerno sa pamamagitan ng mga embahada ay ipagkakaloob ang kailangang tulong sa mga Pilipinong nasa Israel kabilang na ang pagpapauwi sa iba pang apektado ng giyera.

Facebook Comments