PBBM, nagpahayag ng buong suporta kay Senate President Chiz Escudero

 

Nagpahayag ng buong suporta si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa bagong Senate President na si Sen. Chiz Escudero.

Pinalitan ni Escudero si Senador Migz Zubiri na naglingkod bilang 24th Senate President mula noong July 25, 2022 bago nag-resign kahapon, Mayo 20.

Sa kaniyang official statement sa social media, pinuri ni Pangulong Marcos, ang legislative record ni Escudero at ang kanyang commitment sa serbisyo publiko ay nagpapakilala sa kanya bilang isang dedikadong pinuno.


Kumpiyansa rin ang pangulo na sa ilalim ng liderato ni Escudero ay makapagpapasa ang Senado ng batas na magdadala ng makabuluhang pagbabago para makamit ang pangarap nitong Bagong Pilipinas.

Samantala, kinilala naman ng pangulo ang naging kapuri-puring panunungkulan ni Zubiri sa Senado sa panahon ng pagiging lider nito ng Upper Chamber.

Facebook Comments