PBBM, nagpahayag ng pakikiramay sa pamilya ng mga biktima ng pagguho ng isang tulay sa India na ikinasawi ng 135 katao

Nakikiramay si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pamilya ng 135 na nasawing biktima nang gumuhong tulay sa bayan ng Morbi sa bansang India noong October 30.

Ang pakikiramay ay ipinaabot ng pangulo sa 19th ASEAN-India Summit sa Pnohm Penh, Cambodia.

Sinabi ng pangulo na nakikiramay ang mga Pilipino sa nangyaring trahedya na nagresulta sa pagkasawi nang maraming buhay.


Ang Indian delegation na dumalo sa ASEAN Summit ay pinangunahan ni Vice President Jagdeep Dhankhar.

Ipinagdarasal naman ng pangulo na agad gumaling ang mga nasugatang indibidwal sa nangyaring trahedya.

Karamihan sa mga nasawi sa trahedya ay mga kababaihan, bata at mga matatanda.

Sinasabing gumuho ang tulay na kabubukas lamang dahil sa overloading kasunod ng pagsasaayos nito.

Ang tulay ay may lalim na 754 feet na matatagpuan sa Machchu river sa India at ginawa noong 19th century.

Facebook Comments