PBBM, nagpaliwanag sa pagdalo niya sa Coldplay concert noong weekend

Ipinaliwanag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na bahagi ng kaniyang family time at “me” time ang pagdalo niya sa concert ng Coldplay sa Bulacan nitong weekend.

Sa ambush interview sa Lung Center of the Philippines (LCP), sinabi ni Pangulong Marcos na ang konsyerto aniya ng Coldplay ay isang pagkakataon na hindi dapat palampasin.

Batid naman din aniya ng lahat na music lover siya at una na ring nag-aral ng musika nang ilang taon.


Sinabi pa ng pangulo, na bagong karanasan ito para sa kanya lalo’t wala naman silang mga ganitong konsyerto noon.

Facebook Comments