Humingi ng tulong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kay Canadian Prime Minister Justin Trudeau na i-endorso sa Group of Seven o G7 countries ang tindig ng Pilipinas sa South China Sea.
Ang G7 ay binubuo ng pitong makapangyarihang bansa tulad ng Canada, France, Germany, Italy, Japan, United Kingdom, at Amerika.
Sa bilateral meeting nila ni Trudeau sa ASEAN Summit sidelines, sinabi ng pangulo na umaasa siya sa suporta ng Canadian leader lalo na kapag naging Chairman na ito ng G7.
Nagpasalamat din ito sa suporta ng Canada sa rule of law sa Indo-Pacific at South China Sea.
Samanatala, sinabi naman ng Canadian prime minister na suportado nila ang pagsusulong ng regional security at safety, mula sa pangingisda hanggang sa usaping militar.
Nangako rin ito sa pagpapalakas pa ng ugnayan sa kalakalan at sa iba pang sektor, tungo sa pagpapalago ng ekonomiya.