PBBM, nagpasalamat sa Kamara dahil sa pagpasa sa National Land Use Bill

Nagpasalamat si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., sa Mababang Kapulungan dahil sa pagpasa sa National Land Use Bill na kabilang sa mga priority measure ng administrasyon.

Ginawa ng pangulo ang pahayag sa grand launching ng Pier 88 sa Liloan, Cebu kamakailan kung saan dumalo rin si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez.

Ikinalugod naman ni Romualdez ang nakuhang pasasalamat mula kay Pangulong Marcos.


Binanggit ni Romualdez na batid ni PBBM ang kahalagahan ng national land use policy para pangasiwaan ang lahat ng national and local government development projects.

Ayon kay Romualdez, ang national land use policy ay matagal na ring isinusulong ni Pangulong Marcos noong siya ay gobernador pa lamang hanggang naging congressman at senador.

Facebook Comments