PBBM, nagpasalamat sa mga nakakaalala pa rin sa kanyang ama

Ipinagpapasalamat ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang patuloy na suporta ng mga Pilipino sa kanyang ama na si dating pangulong Ferdinand Marcos.

Ginawa ng pangulo ang pahayag sa pagdiriwang ng kaarawan ni dating President Ferdinand Marcos kahapon.

Sa social media account ng pangulo, sinabi nitong nagpapasalamat siya ng maraming mga Pilipino na nakiisa sa selebrasyon ng kaarawan ng kanyang ama.


Taun-taon aniya ay nakakasama nila ang maraming Pilipino para sariwain ang alaala nito at mga nagawa sa bansa.

Kahapon ay dumalo ang pangulo sa misa sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City.

Kasama nIya si dating First Lady Imelda Romualdez Marcos, ilan pang mga miyembro ng pamilya, kaibigan at supporters.

Sinabi ng pangulo, ang maisusukli niya sa patuloy na suporta ng mga Pilipino sa kanyang ama ay gagandahan niya ang kanyang performance sa mga susunod na taon.

Facebook Comments