PBBM, nagpasaring sa mga nag-aakusang may blankong items sa 2025 GAA sa harap ng mga Supreme Court Justice

Sa harap ng 4,000 abogado at Supreme Court Justices sa 20th National Convention of Lawyers sa Cebu City, tila binanatan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga nag-aakusang may mga blankong item sa 2025 General Appropriations Act (GAA).

Ayon sa Pangulo, tulad ng mga abogado na patong-patong na papel at kontrata ang binabasa, binasa niya ang 4,057 pages na 2025 GAA noong nakaraang buwan, dahil kailangan niya itong busisiin, pag-aralan, at i-veto ang ibang parte.

Kaya naman hanggang sa ngayon aniya ay hindi niya makita ang sinasabi ng iilan na blankong items.


Patuloy aniya nila itong hinahanap at kumbisido siyang hindi naman talaga ito totoo.

Banat pa ng Pangulo sa mga naniniwalang puro pakikipagkamay at photo ops lang pagiging isang presidente, tinitiyak niya na buhay na buhay maging ang maliliit na detalye sa kaniyang opisina.

Facebook Comments