PBBM, nagpatawag ng cabinet meeting ngayong umaga

Pangungunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang cabinet meeting ngayong Miyerkules.

Alas diyes ng umaga ang nakatakdang pulong ng mga miyembro ng gabinete sa state dining room ng Malacañang.

Bagama’t walang inilabas na agenda ang Palasyo, inaasahang mapag-usapan ang hakbang na ginagawa ng pamahalaan para maihatid ang tulong sa mga biktima ng Bagyong Enteng.


Mamayang alas-2:00 naman ng hapon ay magkikita ang Pangulo at si Poland Foreign Minister Radoslaw Sikorski.

Samantala, sinusubukan naman ng DZXL News na mahingan ng reaksyon si Pangulong Marcos tungkol sa pagkakaaresto ni Alice Guo sa Indonesia.

Facebook Comments