PBBM, nagpatawag ng full cabinet meeting ngayong hapon

Nagpatawag si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.., ng full cabinet meeting ngayong araw sa Palasyo ng Malacañang.

Pangungunahan ng pangulo ang pulong sa kaniyang mga gabinete mamayang alas-2:00 ng hapon.

Hindi naman nagbigay ng detalye ang Malacañang kung ano ang magiging agenda ng cabinet meeting.


Gayunpaman, hindi inaalis ang posibilidad na talakayin sa pulong ang malalaking isyung kinahaharap ng pamahalaan tulad ng El Niño at La Niña, at maging ang tensyon sa West Philippine Sea.

Karaniwan ay sectoral meeting lamang ang ipinatatawag ng Pangulo kada linggo para sa mga piling miyembro ng gabinete, pero sa full cabinet meeting, ang lahat ng miyembro ng gabinete ay kinakailangang dumalo.

Samantala, patuloy naman ang paghingi ng update ni Pangulong Marcos sa economic managers nito hinggil sa mga proyekto ng gobyerno sa ilalim ng build better more at sa iba pang economic agenda.

Mamaya ay posible ring humarap sa gagawing press briefing si NEDA Sec. Arsenio Balisacan para ilahad ang detalye ng cabinet meeting.

Facebook Comments