PBBM, nagpatawag ng panibagong command conference sa Philippine Army; Malacañang, tikom pa ang bibig kung bahagi ito ng loyalty check ng pangulo

Muling nagpatawag ng panibagong Command Conference si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Philippine Army ngayong hapon.

Ang Philippine Army ay pinamumunuan ni Lt. Gen. Roy Gallido.

Bukod sa mga matataas na opisyal ng hukbo, inaasahang dadalo sa Command Conference sina Executive Secretary Lucas Bersamin, Defense Secretary Gibo Teodoro, at iba pang opisyal ng pamahalaan.


Posibleng talakayin sa pulong ang modernization program ang mga aktibidad at iba pang mga plano ng Hukbong Sandatahan.

Kahapon, nauna nang pinangunahan ng pangulo ang Command Conference ng Philippine Air Force (AFP) kung saan ipinag-utos nitong palakasin pa ang airpower capability ng hukbo.

Samantala, hindi pa nagbibigay ng pahayag ang Palasyo ng Malacañang kung ang magkasunod na Command Conference ng Philippine Air Force at Philippine Army ay bahagi ng pangulo kasunod ng umano’y destabilization plot laban sa pamahalaan.

Facebook Comments