Nag-inspeksyon kaninang umaga si Pangulong Bongbong Marcos (PBBM) sa isang warehouse ng National Food Authority (NFA) sa Barangay Malanday, Valenzuela City.
Isinagawa ang pag-inspeksyon ni Pangulong Bongbong Marcos matapos ang pagbista niya sa pagbubukas ng Kadiwa ng Pasko sa nasabing barangay.
Ayon kay PBBM, layon nito na malaman kung sapat ang suplay ng bigas ng NFA na ibinebenta sa mga Kadiwa stores.
Kinumpirma pa ng pangulo na may mga paparating pang suplay ng bigas sa bansa .
Tiniyak pa ni Marcos Jr., na hindi mauubusan ng mga ibinebenta na mga basic commodities sa Kadiwa stores lalo na ang mga bigas na ibinebenta sa murang halaga na P25.
Bagama’t binawasan na ang importasyon ng bigas sa bansa ay tiwala pa rin si Pangulong Marcos Jr., na sasapat pa ang suplay nito na kinukuha na ngayon sa mga production.
Pero, kinakailangan pa rin aniya itong bantayan lalo na kung may tatama na malakas na bagyo o anumang kalamidad na posibleng makaapekto sa suplay ng bigas ng bansa.