PBBM, nagsagawa ng ocular inspection sa Valenzuela City

Nagsagawa ng ocular inspection bago magtanghali si Pangulong Bongbong Marcos Jr. sa Valenzuela City matapos hagupitin ng Bagyong Carina at habagat ang lungsod.

Ang lungsod ng Valenzuela ay isa sa mga syudad sa Metro Manila na lubog pa rin hanggang ngayon sa baha matapos na magpakawala ng tubig kahapon ang La Mesa Dam.

Sakay ng military truck kasama si Valenzuela Mayor Wes Gatchalian at iba pang opisyal ng pamahalaan ay nilibot ni Pangulong Marcos ang bawat kalsada sa lungsod na lubog pa rin sa baha hanggang ngayon.


Aabot pa sa tuhod hanggang binti ang taas ng baha sa maraming lansangan sa Valenzuela.

Bago ang inspeksyon ay inatasan ni Pangulong Marcos ang mga kaukulang ahensya ng gobyerno na maglatag ng detalyadong assessment sa bawat lugar na nangangailangan ng tulong.

Samantala, pinatututukan din ng pangulo sa Department of Health (DOH) ang kalusugan ng mga kababayang nasa evacuation centers at pinatitiyak din sa mga ahensya at Local Government Units (LGUs) na may umiikot na medical team sa bawat lugar.

Facebook Comments