PBBM, nagtalaga na nang mga kalihim ng DND at DOH

Nagtalaga na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na kalihim sa Department of National Defense (DND) at kalihim sa Department of Health (DOH).

Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil naitalagang kalihim ng DND si Gilberto Teodoro Jr.

Si Teodoro aniya ay bihasa sa pagta-trabaho mapa pribado o gobyerno mang posisyon, naging three term sa Congress aniya ito sa First District ng Tarlac at naging kalihim na rin ng DND noong panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.


Siya ang pinakabatang naging kalihim noon ng DND sa edad na 43 anyos.

Siya rin ay umupo noon bilang Chairman ng National Disaster Coordinating Council (NDCC).

Si Teodoro ay nagtapos ng Bachelor’s Degree in Commerce, Major in Financial Institutions sa De La Salle University-Manila.

Nagtapos rin ng law degree, nanguna sa kanyang class sa University of the Philippines at top rank sa Philippine Bar examination.

Nagtapos din ito ng kanyang master’s degree sa Harvard University.

Samantala ayon pa kay Garafil ina-appoint naman ng Pangulong Marcos Jr., si Dr. Teodoro Herbosa bilang kalihim ng Department of Health.

 

Si Herbosa aniya ay mayaman sa karanasan sa larangan ng healthcare systems, public health, hospital administration, emergency at disaster medicine.

Nagtapos ito nang kanyang medical degree sa University of the Philippines Manila at bachelor’s degree in Biology sa University of the Philippines-Diliman.

Nagtapos din ito ng International Diploma Course in Emergency and Crisis Management sa University of Geneva at Postgraduate Studies in Medicine sa Sackler Faculty of Medicine sa Tel Aviv University.

Ayon pa kay Secretay Garafil si Herbosa ay dating undersecretary ng DOH mula 2010 hanggang 2015.

Humawak rin ng mga key positions katulad ng Chief Division ng Trauma sa Department of Surgery, Philippine General Hospital, Chairman of the Board ng Physicians for Peace Philippines at naging 3rd Vice President ng UP Alumni Association.

Facebook Comments