PBBM, nagtalaga na ng LTO chief

Naglagay na ng bagong pinuno ng Land Transportation Office (LTO) si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ito ay sa katauhan ni Assistant Secretary Vigor Mendoza II.

Papalit si Mendoza sa kasalukuyang Officer in Charge ng LTO na si Hector Villacorta na ipwenesto noong June 1 matapos ang pagbibitiw sa pwesto ni Jay Art Tugade noong May 22.


Si Mendoza ay dating representative ng 1-UTAK o United Transport Alliance Koalisyon SParty-list group at naitalaga rin bilang dating board member ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Bukod kay Mendoza, muling in-appoint bilang Kingdom of Spain Ambassador si Philippe Lhuilllier.

Kaugnay nito, nagtalaga rin ang pangulo ng mga bagong opisyales sa Department of Finance, Department of Justice, Department of Energy, Department of Labor and Employment, at Department of Public Works and Highways.

Facebook Comments