PBBM, nagtalaga ng bagong acting member ng PAG-IBIG Board of Trustees

Nagtalaga si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ng bagong Board of Trustees ng PAG-IBIG Home Development Fund, na kakatawan sa pribadong sektor.

Ito ay sa katauhan ni Maria Lourdes Doria-Velarde.

Si Doria-Velarde ang papalit kay Mylah Roque, ang asawa ni dating Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque.


Nagsilbing Deputy General Manager for Administration ng Duty Free Philippines si Doria-Velarde at naging miyembro ng Board of Trustees ng Nayon Pilipino Foundation at Intercontinental Broadcasting Corp. (IBC 13).

Facebook Comments