PBBM, nagtalaga ng bagong commissioner ng PCUP

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Atty. Bret Monsanto bilang bagong commissioner ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) sa ilalim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Si Monsanto ay dating chief of staff (COS) ni former Cebu Governor Gwen Garcia.

Uupuan ni Monsanto ang binakanteng posisyon ni Michelle Anne Gonzales na una nang iniluklok bilang chairperson ng nabanggit na ahensya.

Batay sa appointment paper na pirmado ng pangulo, pinahihintulutan na siyang gampanan ang mga tungkulin ng naturang posisyon matapos makapanumpa at magsumite ng kopya ng kaniyang Oath of Office sa Office of the President at sa Civil Service Commission (CSC).

Ang PCUP ay pangunahing ahensya ng pamahalaan na katuwang ng mga maralitang lungsod sa pagsusulong ng kanilang karapatan at pagbibigay ng tulong sa mga programang pangkaunlaran.

Facebook Comments