PBBM, nagtalaga ng bagong mga opisyal sa DOTr at LTO

Nagtalaga si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng mga bagong opisyal ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Office (LTO).

Sa appointment papers na nilagdaan ni Pangulong Marcos Jr., itinalaga nito si Atty. Reinier Paul R. Yebra bilang Undersecretary for Legal Affairs ng DOTr.

Iniluklok din ng pangulo si Atty. Giovanni Lopez bilang Executive Director naman ng LTO.


Nanumpa na rin sa tungkulin ang dalawang bagong opisyal sa harap ni Transportation Secretary Jaime Bautista.

Samantala, wala pang pahayag si Office of the Press Sec. Officer-in-Charge Usec. Cheloy Garafil kaugnay sa appointment ng mga nasabing opisyal.

Facebook Comments