PBBM, nagtalaga ng bagong opisyal sa LTO

Nagtalaga si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng dalawang bagong opisyal ng Land Transportation Office (LTO).

Ito’y sa katauhan nina Esteban Miano Baltazar Jr. at Wendel Calinao Dinglasan na kapwa inilagay ni Pangulog Marcos bilang Director II.

Batay sa appointment papers, ipinabatid ng Pangulo kay Department of Transportation (DOTr) Sec. Vince Dizon ang appointment nina Baltazar at Dinglasan.

Nabatid na ang appointment ng dalawang bagong LTO officials ay pinirmahan ni Pangulong Marcos nitong Huwebes, Hulyo 31, ngunit ngayon lamang isinapubliko ng Malakanyang.

Ang LTO ay isa sa mga attached agencies ng DOTR.

Facebook Comments