Itinalaga ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. si Court of Appeals Justice Melchor Quirino Sadang bilang bagong chairman ng Presidential Commission on Good Government (PCGG).
Ang PCGG ay isang quasi-judicial government agency na inatasang bumawi sa umano’y ill-gotten wealth ng pamilya Marcos at ng kanilang mga cronies.
Si Sadang ay naging Associate Justice ng Court of Appeals noong 2011 hanggang 2017.
Bago ito ay naging presiding judge siya ng Regional Trial Court sa Cavite City mula 2000 hanggang 2011.
Matatandaang naging miyembro si Sadang ng 5-man committee na naatasang sumuri sa higit 900 police generals at mga coronel na nag-resign noong magkaroon ng internal cleansing sa Philippine National Police (PNP).
Samantala, ilang mga bagong appointees din ang itinalaga ni PBBM sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan batay sa inilabas na listahan ng Presidential Communications Office.