PBBM, nagtalaga ng bagong pinuno ng PSC

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Commodore Andro Val Abayon bilang bagong pinuno ng Presidential Security Command (PSC).

Si Abayon ang ika-apat na Commander ng PSC sa ilalim ng administrasyon.

Pinalitan niya si Army Major General Peter Burgonio, na walong buwan lamang nanungkulan at ngayon ay itinalaga bilang acting division commander ng 8th Infantry Division.

Si Abayon, miyembro ng PMA Class of 1994, ang ika-apat na PSC commander sa ilalim ng Marcos Jr. administration.

Bago mapunta sa Palasyo, pinamunuan niya ang Naval Special Operations Command, ang elite unit ng Navy na kasama ang Navy SEALs.

Samantala, sina Morales at Burgonio na parehong PMA Class of 1993, ay bumalik sa matataas na puwesto sa Air Force at Army matapos ang kanilang serbisyo sa PSC.

Si Zagala naman ang mamumuno ng isang Army infantry division.

Tungkulin ni Abayon ang pangunahan ang seguridad ng pangulo at Malacañang kasabay ng nagpapatuloy na reorganisasyon sa security units ng gobyerno.

Facebook Comments