PBBM, nagtalaga ng mga bagong opisyal sa ilang ahensiya ng pamahalaan; sikat na singer noong dekada sitenta, muling itinalaga sa Bataan Shipyard and Engineering Company

Photo courtesy: Pangulong Bongbong Marcos FB

Muling nagtalaga si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ng mga bagong opisyal para sa ilang ahensya ng pamahalaan.

Isa sa mga itinalaga ng pangulo ay ang sikat na singer noong dekada sitenta na si Anthony Castelo para patuloy na manungkulan bilang Vice Chairman, Chief Operating Officer at Board of Directors ng Bataan Shipyard and Engineering Company.

This slideshow requires JavaScript.


Nauna nang itinalaga si Castelo sa BASECO noong 2017.

Kabilang sa mga kilalang awitin ni Castelo ay ang “Balatkayo,” “Nang Dahil sa Pag-ibig,” at “Ibig Kong Ibigin Ka.”

Samantala, nagtalaga rin si Pangulong Marcos ng mga bagong opisyal sa ahensya ng Department of Agriculture, Cultural Center of the Philippines, Manila Economic and Cultural Office, ay Department of Budget and Management.

Bukod dito, may mga bagong opisyal din sa DFA, Department of Health, DICT, Department of Justice, DOLE, DILG, DTI, DOTr, at Department of Finance.

Facebook Comments