PBBM, nagtalaga ng mga bagong opisyal sa ilang ahensya ng gobyerno

Nagtalaga si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ng mga bagong opisyal sa ahensya ng Department of Agrarian Reform (DAR), Department of Finance (DOF), Department of Health (DOH) at iba pang ahensya ng gobyerno.

Sa DAR, itinalaga ng pangulo si Penelope de Ausen bilang Provincial Agrarian Reform Officer II habang undersecretary naman ng DOF si Renato Reside Jr.

Sa DOH, itinalaga si Lester Tan bilang Director IV habang si Ma. Teresa Iñigo ay ipinuwesto bilang director general naman ng Philippine Institute of Traditional and Alternative Health Care (PITAHC).


Sa Office of the President (OP), itinalaga si Antonio Tabora Jr. bilang Presidential Assistant for Cordillera Administrative Region na may ranggong assistant secretary, kasama ang isang assistant executive secretary at isa pang assistant secretary.

Naglagay din si PBBM ng pitong miyembro ng board of directors ng Land Bank Securities, Inc. na nasa ilalim ng DOF.

Habang nagtalaga rin ng mga opisyal sa Department of Education (DepEd), Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of Transportation (DOTr), Department of Science and Technology (DOST), National Economic and Development Authority (NEDA), at National Commission on Muslim Filipinos (NCMF).

Facebook Comments