
Nagtalaga si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng dalawang bagong opisyal sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).
Ito’y sa katauhan nina Pedro Cesar Gabriel Atienza Solidum at Mynoa Refazo Sto. Domingo bilang kapalit nina Zeny Mancilla at Maria Marta Ines Dayrit.
Batay sa appointment paper na ipinadala ng pangulo kay MTRCB Chairperson Lala Sotto-Antonio, manunungkulan ang mga bagong opisyal hanggang Setyembre 30, 2026.
Tungkulin ng MTRCB na suriin at i-classify ang mga pelikula, palabas sa telebisyon, at iba pang materyales bago ito ipalabas sa publiko.
Facebook Comments









