
May pabirong banat si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa mga kongresista sa inagurasyon ng Farm Fresh Milk Plant sa Pampanga.
Sa kaniyang talumpati, binati ni Pangulong Marcos ang bagong kongresista na si Nanay Rep. Florabel Yatco, na isa ring chef.
Sabi ng pangulo, tila si Yatco raw ang “nagpapakain” sa mga kongresista kaya nagtatabaan ang mga congressman.
Ang birong ito ni Pangulong Marcos, sinagot lamang ng ngiti ni Yatco.
Matatandaang inuulan ng mga batikos ngayon ang Kongreso dahil sa pagkakadawit sa mga anomalya sa flood control projects ng ilang kongresista.
Sa mga nakaraang pagdinig at ulat, ilan sa mga mambabatas ang pinangalanan at idinawit sa anomalya kabilang na si Representative Martin Romualdez at dating Representative Elizaldy Co.









