Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paglikha ng bagong tanggapan at posisyon na tututok sa rehabilitasyon ng Marawi City.
Sa Executive Order No. 78, itinatag ang Office of the Presidential Adviser for Marawi Rehabilitation and Development.
Bagama’t binuwag na ang Task Force Bangon Marawi, sa bisa ng kautusan ay inaatasan ang iba’t ibang ahensya na kumpletuhin ang mga nalalabing programa, aktibidad, at proyekto sa ilalim ng Bangon Marawi Comprehensive Rehabilitation and Recovery Program.
Tungkulin ng bagong tanggapan na magbigay ng payo sa Pangulo kaugnay ng mga polisiya at plano para sa pagsasaayos at pagbabalik ng kapayapaan sa Marawi City, pagbabantay sa mga istratehiya at programa, pakipagtutulungan sa mga kaukulang LGU at iba pang trabaho.
Pamumunuan ito ng Presidential Adviser for Marawi Rehabilitation, habang ididikit na rin dito ang Marawi Compensation Board.