Ginawang institutionalized ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang Electronic Travel Information o eTravel System ng bansa para sa mas maayos na na pagpapatutupad ng border control, pagtutok sa kalusugan, at tourism statistics analysis.
Batay sa Administrative Order No. 24, 7, ang hakbang ay bahagi ng layunin ng pamahalaan na isulong ang transparency at pasimplehin ang proseso na magbabawas ng red tape.
Ang eTravel System ay ang magsisilbing one-stop electronic travel declaration system ng gobyerno para sa lahat ng international inbound at outbound na mga pasahero at mga tripulante.
Sa ilalim ng AO, lilikha ng technical working group (TWG) na siyang magsusuri at magpapatupad ng mga hakbang para mapahusay ang operasyon ng eTravel System.
Ang Department of Information and Communications Technology (DICT) ang magsisilbing chairman ng council habang ang Bureau of Immigration (BI) ang co chairman.