PBBM, nagtatag ng independent commission para imbestigahan ang anomalya sa flood control projects

Itinatag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Independent Commission to Investigate Flood Control Anomalies na magsasagawa ng masusing imbestigasyon sa maanomalyang flood control projects.

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), inaaatasan ang independent commission na tukuyin ang mga iregularidad, panagutin ang mga sangkot, at ibalik ang tiwala ng publiko sa paggastos para sa imprastraktura.

Dagdag pa ng PCO, ang hakbang na ito ay patunay ng matibay na paninindigan ng administrasyon na sugpuin ang korapsyon, patatagin ang mga institusyon, at maghatid ng tapat at epektibong serbisyo publiko sa ilalim ng administrasyong Marcos.

Nauna nang sinimulan ng Senate Blue Ribbon Committee ang moto proprio inquiry hinggil sa isyung “Philippines Under Water”, para imbestigahan ang mga ghost projects, substandard na proyekto, at mga kontrata kaugnay sa flood control.

Habang inanyayahan na rin ng House of Representatives ang DPWH at 15 kumpanyang nakakuha ng 20% ng flood control projects mula 2022 para sa isang pagdinig na nakatakda sa September 2, 2025.

Facebook Comments