PBBM, nais bigyan ng subpoena powers ang binubuong independent commission para sa imbestigasyon sa flood control projects

Nais ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bigyan ng subpoena powers ang bubuuing Independent Commission na sisiyasat sa nga anomalya sa mga flood control project.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, gusto ng pangulo na magkaroon ng ngipin ang komisyon para seryosong maipatupad ang mandato nito at mapanagot ang mga sangkot.

Sa subpoena powers, may kapangyarihan itong ipatawag ang sinumang makapagbibigay linaw sa kontrobersyal na mga proyekto.

Sa ngayon ay nasa pinal na yugto na ang Executive Order para sa pagbuo ng nasabing komisyon, at inaasahang lalagdaan na ito ng Pangulo sa mga susunod na araw.

Kasama sa EO ang listahan ng mga opisyal na bubuo sa Independent Commission.

Facebook Comments