PBBM, nais nang tapusin ang pang-aabuso sa mga manggagawang Pilipino sa loob at labas ng bansa

Nakipagpulong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa mga opisyal ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) at Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC).

Pinag-usapan sa pagpupulong ang kasalukuyang sitwasyon at ang mga ginagawa ng gobyerno para labanan ang human trafficking.

Ito ay bilang tugon sa mga naitalang kaso ng pang-aabuso sa mga manggagawang Pilipino sa loob at labas ng bansa.


Inatasan ng pangulo ang IACAT at PAOCC na magkaroon nang magandang ugnayan para sa mga hakbang ng gobyerno at pribadong sektor sa paglaban sa labor trafficking.

Binigyang-diin ni pangulo na hindi hahayaan ng kanyang administrasyong ang pagtapak sa karapatan ng mga Pilipino saan man sila naroroon.

Utos ng Presidente sa kaukulang mga ahensya, tapusin ang operasyon ng mga sindikato ng prostitusyon, pornograpiya, illegal recruitment, online sexual child exploitation, forced labor at iba pa.

Facebook Comments