PBBM, nais tuldukan ang mga pang-aabuso sa pulitika kaya pinatututukan ang Anti-Dynasty Bill

Gustong wakasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang lumalalang pang-aabuso sa pulitika kaya itinutulak niya ang Anti-Dynasty Bill bilang isa sa pangunahing reporma na dapat unahin ng Kongreso.

Matatandaang noong kampanya, sinabi mismo ni Pangulong Marcos na hindi niya nakikitang mali ang political dynasty.

Pero ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, nagbabago na ang political landscape sa bansa kaya nais ng pangulo na ibalik sa taumbayan ang tunay na lakas sa pagboto na nakabatay sa galing at serbisyo, hindi sa apelyido.

Nakikita na umano ng pangulo ang epekto ng pag-ikot-ikot ng iisang pamilya sa poder kaya kailangan ng malinaw na depinisyon ng “dynasty” sa batas.

Kasabay nito, dinepensahan naman ng Malacañang ang desisyon ni Pangulong Marcos na hindi muna sertipikahang urgent ang apat na priority bills.

Paliwanag ni Castro, alinsunod sa Konstitusyon, puwede lang mag-certify bilang urgent ang Pangulo kapag may public calamity o emergency.

Facebook Comments