PBBM, nakaalis na ulit ng bansa patungong South Korea para sa APEC Summit

Nakaalis na ulit ng Pilipinas si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. patungong South Korea para dumalo sa APEC Economic Leaders’ Meeting sa Gyeongju hanggang November 2.

Itinalaga ng pangulo bilang caretaker ng bansa sina Executive Secretary Lucas Bersamin, Department of Agrarian Reform (DAR) Secretary Conrado Estrella, at Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara.

Ayon sa pangulo, mahalaga ang summit na ito dahil ang Asia-Pacific region ay kumakatawan sa 46% ng pandaigdigang kalakalan sa mga produkto at 61% ng kabuuang pandaigdigang GDP.

Makakasama ng pangulo ang mga lider at iba pang kinatawan ng 21 bansa na bumubuo sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC).

Pagdating ng pangulo dito ngayon gabi ay haharap ito sa Filipino community sa Busan.

Batay sa Department of Foreign Affairs (DFA), nasa 70,000 ang Pilipino sa South Korea, kung saan 42,000 dito ay Overseas Filipino Workers (OFWs) sa linya ng agrikultura, entertainment, fishing, at household sector

Facebook Comments