Nasa Pilipinas na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., matapos na dumalo sa 1st ASEAN Gulf Cooperation Council Summit sa Riyadh Saudi Arabia.
Lumapag ang sinasakyang Philippine Airlines 001 ng pangulo kasama ang kaniyang delegasyon alas-2:48 ng hapon sa Villamor Airbase sa Pasay City.
Kasama ng pangulo sa biyahe sa Riyadh ng kaniyang mga economic managers at ilang cabinet secretaries.
Nag-uwi ang pangulo ng 120 milyong dolyar na halaga ng investment agreement sa pagitan ng Saudi’ Al Rushaid Petroleum Investment Company, Samsung Engineering NEC Co. Ltd., at Philippines’ EEI Corporation para sa construction export services.
Nakatanggap din ang Pangulo ng 4.14 bilyong dolyar na investment pledges mula sa iba’t ibang Arab business leaders.
Facebook Comments