PBBM, nakakuha nang investment pledges sa ilang mga bansa sa pagtungo sa Singapore

Nakakuha si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ng investment pledges sa apat na araw na pagbisita nito sa Singapore.

Ayon kay Presidential Communications Office o PCO Secretary Cheloy Garafil, nakapulong ni Pangulong Marcos ang mga opisyal ng India’s GMR na nagpahayag ng interes na magi-invest sa paliparan, kalsada at energy projects ng Pilipinas.

Nangako rin kay Pangulong Marcos ayon kay Secretary Garafil ang Singapore’s multinational technology company na Dyson, na mag-i-invest ng 11-bilyong piso sa Pilipinas sa loob ng susunod na dalawang taon.


Maging ang Malaysian retail specialist, Valiram Group nagpahayag rin ng interes kay Pangulong Marcos na palawigin ang operasyon sa Pilipinas para sa pagpapaganda ng mga airport outlets para sa duty-free retail tourism.

Si Pangulong Marcos ay umalis noong Sept 13 sa Pilipinas at dumalo sa 10th Asian Conference sa Singapore at dumalo rin sa Formula One Singapore Grand Prix 2023 matapos imbitahan ni Singaporean Prime Minister Lee Hsien Loong.

Dumating si Pangulong Marcos kaninang madaling araw galing Singapore.

Facebook Comments