Nakakuha si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ng kabuuang $22-B na investment pledges mula sa Chinese investors.
Ito ay matapos ang kaniyang dalawang araw na state visit sa China.
Kabilang sa investment pledges na ito ay ang $1.72 billion para sa agribusiness, $13.76-B para sa renewable energy (RE), at $7.32-B para sa strategic monitoring na may kaugnayan sa electric vehicle at mineral processing.
Bukod dito, isusulong naman ng presidente ang investment cooperation on green development in green technology at technological innovation platforms katulad ng R&D centers, innovation centers, laboratories, at incubators.
Facebook Comments