PBBM, nakakuha ng bilyong pisong investment pledges sa semiconductors companies sa Japan; 10,000 trabaho, lilikhain nito

Agad nakakuha ng investment pledges si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa ikalawang araw na official visit nito sa Japan.

Ayon kay Presidential Communications Office Secretary Cheloy Garafil, nakakuha ng bilyong pisong investment pledges ang pangulo matapos na makausap sa roundtable discussion ang mga may-ari ng kompanya ng semi-conductors, electronics at wiring harness sa Japan.

Sinabi ni Garafil, lilikha ito ng 10,000 trabaho sa bansa na makakatulong sa isinusulong ng pamahalaan na mas maraming trabaho para sa mga Pilipino.


Sinabi pa ni Garafil na ang kabuuang investment pledges na nakuha ng pangulo ay ihahayag bukas kapag nakapagpirma na ang pangulo ng letters of intent sa pagitan ng Japanese companies.

Ilan sa mga dumalong top executives ng Japan sa isinagawa roundtable discussion ay ang Japan Aviation Electronics Industry, Ltd.; Yazaki Corporation; Yokowo Manufacturing of the Philippines; Sumitomo Electric Industries, Ltd.; Brother Industries, Ltd.; IBIDEN Co., Ltd.; Seiko Epson Corporation; NIDEC-SHIMPO Corporation; at TDK Corporation.

Facebook Comments