Inihayag ng Palasyo na nakakuha ng mataas na approval ratings si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., dahil sa pag-upo bilang kalihim ng Department of Agriculture (DA).
Ito ay batay sa 2022 Quarterly Survey Series ng PUBLiCUS Asia.
Base sa survey, 63 percent ng respondents ay sumang-ayon sa magandang performance ng pangulo bilang DA secretary, 15 percent ang hindi sumang-ayon at 22 percent ang undecided.
Ginawa ang survey mula Sept. 16 hanggang 20, 2022 sa 1,500 adult respondents.
Una nang sinabi ng pangulo na ang pag-upo niya bilang kalihim ng DA ay patunay na prayoridad niya ang agriculture sector.
Nais niyang tumaas ang produksyon ng bigas at magkaroon ng re-organization sa Agriculture Department.
Facebook Comments