PBBM, nakamonitor sa epekto ng masamang panahon sa Pilipinas kahit nasa Amerika

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nakatutok ang pamahalaan sa pagtugon sa epekto ng matinding pag-ulan at pagbaha sa bansa, kahit kasalukuyan siyang nasa Estados Unidos para sa kaniyang state visit.

Sa kaniyang mula dito sa Washington D.C., sinabi ng pangulo na bago pa man siya lumipad patungong Amerika para makipagpulong kay U.S. President Donald Trump, ay inatasan na niya ang lahat ng kaukulang ahensya ng pamahalaan na maghanda at agad na kumilos.

Ayon pa sa Pangulo, naka-preposition na ang mga relief goods at medical teams sa mga apektadong lugar, kasabay ng pagtiyak sa suplay ng tubig, kuryente, at transportasyon.

Sa gitna aniya ng kanyang foreign engagement, hindi hahayaan ng pamahalaan na maging sagabal ang distansya sa mabilis at epektibong pagtugon sa mga hamon ng kalikasan.

Nanawagan rin ang pangulo sa publiko na sundin ang mga abiso ng mga lokal na pamahalaan at national agencies para maiwasan ang anumang kapahamakan.

Facebook Comments