Matapos ang 14 na oras at 30 minutong biyahe sakay ng Philippine Airlines 001, nakarating na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at kanyang delegasyon sa Switzerland para sa partisipasyon nito sa World Economic Forum.
Lumapag ang sinasakyang eroplano ng pangulo at delegasyon nito sa Zurich Switzerland pasado alas-4:28 ng hapon ng Linggo o pasado alas-11:28 ng Linggo ng gabi sa Pilipinas.
Ang pangulo at delegasyon nito ay magtatagal nang hanggang January 20 sa Switzerland.
Sa departure statement ng pangulo sa Pilipinas, sinabi nitong sasamantalahin nya ang World Economic Forum para makipagpalitan ng ideya sa ibang government leaders, policy makers, business executives at sa entrepreneurs, civic society advocates at academic experts.
Ibibida raw ng pangulo mga magagandang nangyari sa ekonomiya ng Pilipinas sa huling bahagi ng taong 2022 matapos ang mataas na growth projections ng World Bank at Asian Development Bank.