PBBM, nakasungkit ng pamumuhunan sa Malaysia na lilikha ng mga trabaho

Ipinagmalaki ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez na naging produktibo ang biyahe ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa Malaysia.

 

Ibinida ni Romualdez na umaabot sa US$ 285 milyong halaga ng investment commitment ang nasungkit ni PBBM sa kanyang tatlong araw na state visit sa Malaysia.

 

Sabi ni Romualdez, ang pamumuhunan na ito ay sa larangan ng pag-proseso ng pagkain, multi-service digital platforms, aviation, aviation maintenance support services, logistics, manufacturing, infrastructure, at maging sa water at wastewater treatment.


 

Ayon kay Romualdez, inaasahang lilikha ito ng mahigit 100,000 trabaho at oportunidad para kumita ang mga Pilipino.

 

Binanggit ni Romualdez, higit din nitong napatibay ang relasyon ng Pilipinas at Malaysia.

Facebook Comments